Sunday, January 02, 2005

happy new year!

hay.. ambilis ng panahon.. 2005 na!! at kakarampot lang ang naisusulat ko dito... sana sipagin na akong mag-update dito...

astig ang nakarang engg week!!! kahit hindi na ako active member ng ERG, nakisali pa rin ako... hehehe.. astig talaga ng ERG! (jacket.. wahehehe)

bale kasi ganto yan... sa mga hindi nakakaalam ng engg week.. eto ay annual event sa up college of engineering na kung saan eh nagtatagisan ang mga engg orgs sa iba't ibang gimik, contests at palaro for one whole week. may tinatawag na main events at mini events. yung mga mini-events, sa umaga nilalaro.. tulad ng ice cream eating contest, breng'g me, singeng'g idol, frisbee,iba't ibang quiz shows na pwedeng maisip, at marami pang iba. ang main o major events naman eh sa gabi ginagawa...

dec. 9, thursday - SMOKERS NYT (Engg Student Council) - asaran ng mga engg orgs.. pero in a form of a skit o kahit ano... ang rule.. walang pikunan at bawal siyempre ang personal na tira... ayun.. hehehe.. ang galing ng aggree kasi back-to-back sila... ang ERG? bilib ako sa tapang nila.. yun lang.. hehehe

dec 10, friday - dateng'g game (UP 49ers)- hindi ko to napanood pero yun.. alam niyo naman siguro kung ano ang dating game di ba? yun lang po.. nanalo lang naman yung parehong erg (sa male at female)...

dec 13, monday - indakan (UP ACES)- oo, tama.. sayawan nga ito.. meron para sa group at meron para sa pair... ang theme ngayong year eh UNO.. ibig sabihin... isang artist lang dapat... ehemm. ehemm... namayagpag ang UP ERG dito... dito naganap yung issue tungkol sa "jacket" hehehe... ang resulta- sa group- up kem (first, sila lagi ang nanalo, may professional choreographer eh), UP ERG (2nd place), ie club (3rd place) at eto na.. sa pair.. ang rule yung lalaki dapat eh sa streetdance tapos yung girl eh jazz... GO TINA! hehehe.. UP ERG (1st place) di ko na matandaan yung iba.. wahehehe...

dec 14, tuesday - awitan (UP KEM) - yun kung ang indakan eh sayaan, e di ang awitan eh balagtasan.. joke! siempre.. awitan.. hehehe... bale choral competition... eto eh naging napakontrobersiyal last year... may isang org lang naman na pinalakpakan ng maraming tao tapos tinalo pa sila nung obyus naman na nagkalat na isang org... pero this year.. bumawi ang ERG... ang theme nga pala this year eh VINTAGE.. so yung contest peace eh "SANTA BABY" at yung chosen piece eh dapat 50's... kinanta ng ERG yung LaBamba... masaya naman.. hehehe.. napakatalented ng ENGG students... ang result: people's choice award - UP ERG , ist place up ciem 2nd place- UP ERG, 3rd place - ERG jacket.. este up aggregates pala...

dec 15, wednesday - maskipaps (BETA EPSILON)- yun.. galing ito sa MASKIPAPAANO... heheh.. variety show sa engg na nadagdagan na rin ng fashion show.. hindi ko napanood this year pero ehemm.. may UP ERG na naman! sa male solo - UP ERG (1st place), female solo - UP ERG (2nd place) at sa group - UP ERG (1st place).. whew!!! galing.. di pala ako nakanood kasi christmas party ng UP pep...

dec 16, thursday - MS ENGG (ESC) - ang pinaka-aabangang event sa engg.. ang MS ENGG.. kunsaan ang mga lalaki (oo.. tama .. mga lalaki.. bawal bading!) ay magtatagisan upang tanghaling MS ENGG! hehehe..may swimsuit, talent at evening gown.. at meron ding q&a... at siyempre... panalo na naman ang UP ERG!!! grabe.. gabigabi na lang may UP ERG!!!!...
ang awards ni MS ERG - MS ENGG 2004, ms. photogenic award, darling of the crowd, at ms dotster, texter's choice


1 Comments:

  • kuya lau...
    pinapaalam ko lang sayo blog ko...

    i'v gathered enough confidence para ibunyag sa publiko ang aking blog. ahehe...

    ung isa ay sa:
    http://ejme.modblog.com

    ayan..ahehe...

    happi new year!

    By Blogger hajime ejme, at 7:45 PM  

Post a Comment

<< Home