Saturday, March 26, 2005

Good Friday at the Divine Mercy Shrine in Marilao

Ang National Shrine ng Divine Mercy ay isang 14-year old na simbahan na matatagpuan sa Sta. Rosa I, Marilao Bulacan. Ito ay pinamumunuan ni Fr. Vic Robles. Mula sa isang maliit na parokya, ito ay lumaki ng lumaki hanggang sa isang maging pambansang dambana.

Maraming tao lagi ang nagsisimba dito galing pa sa iba't-ibang panig ng Pilipinas at may mga galing din ng ibang bansa. At marami na ring mga patotoo sa mga himalang nangyayari sa simbahang ito. Maraming mga may sakit ang napagaling, mga kahilingang natupad at mga problemang nasolusyunan ang maririnig mo sa mga deboto rito. May mga maliliit na ring "himala" ang naibigay sakin ng simbahang ito.

Ibang-iba talaga ang pakiramdam kapag ikaw ay nasa simbahang ito. Marahil ay dahil sa kagandahan ng lugar, ang presensiya ng Panginoon at sa pagtutulong-tulungan na rin ng mga parishioners nito.

Narito ang ilan sa mga activities kahapon, Good Friday, dito sa Divine Mercy.

Image hosted by Photobucket.com
Ang paggunita kay Krsito na nakapako sa krus.

Image hosted by Photobucket.com
Ang tuktok ng simbahan mula sa bukid

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com
Ang paglilibing kay Kristo
Ang ilang bahagi ng Senakulo 2005.

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

2 Comments:

  • miss na miss ko na din po ang Divine Mercy, dito po ako sa Israel nakita ko sa web ang tagal ko na nga hinahanap devotee po talaga ako, Father Vic, Judith Cruz po ang walang sawang ngttext sa inyo. Godbless us!

    By Blogger judith, at 7:33 PM  

  • miss na miss ko na din po ang Divine Mercy, dito po ako sa Israel nakita ko sa web ang tagal ko na nga hinahanap devotee po talaga ako, Father Vic, Judith Cruz po ang walang sawang ngttext sa inyo. Godbless us!

    By Blogger judith, at 7:38 PM  

Post a Comment

<< Home